"mahirap magpanggap na panget"
-papadan
ang aking mga mata! ang aking mahahalagang mga mata.! ang aking pinakamamahal na mga mata!
-ay nababalot na ng mga EYEBAGS.
kung alam mu ang tagalog na katumbas ng EYEBAGS mangyari lmang pong magkomento sa box sa gilid.:D
nakawiwindang at nakasusuya ang mga tanong sa pagsusulit kaninang umaga sa aming paaralan. Kasalanan ba ang maging TANGA, MANGMANG, MAHINA ANG UTAK, UTAK IPIS, WALANG ALAM O PAYAK
NA BOBO? hindi. dahil kung kasalanan ito isang malaking kasalanan ang aking pagkatao at existence. Sa kasalukuyan, nagdodownload ako ng mga sayaw para sa aming proyekto sa
humanities.sasayaw kasi kami. kami kasi ay sasayaw. XDD
hindi ako makapagpadala ng mensahe sa pamamagitan ng aking phone. ayos lang. hindi lng naman ako e. akala ko kasi nasira na ang aking phone. ilang beses na kasi itong nahuhulog.
nakikinig ako sa isang masayang kanta.musika.komposisyon- Canon.
balikan natin ang nakaraan.....
kagabi, ganap na ika-11 ng gabi, nakatulog ako.. nakahanda na ang mga kwadernong aaralin ko, e! ngunit nakatulg talaga ako. paggising ko. UMAGA NA. ngunit hindi pa talaga. mga
alas-1 pa lang ng umaga at sa pag-aakalang makabubuti sa akin ang pagtulog muli, bumalik ako sa aking pagkakahimbing. AT NAGISING MULI AKO. NAGULAT AT NALIGO NA KAAGAD. alas-4 na
kasi noon. at may usapan kami ni john carlo rola na magkikita ng alas-5 sa mataas na paaralang pang-agham ng maynila o manila science high school.madilim p lang ay nasa biyahe na
ako. matagal ko ng hindi nagagawa ito. 3ng taon na ang nakaklilipas. noong nasa unang taon kasi ako ay araw-araw akong pumapasok ng ikalima ng umaga. ayon, magisa ako sa kalahati
ng masay. nakatatakot mabuti na lamang ay may sumama sa akin. isang kwarto man ang aming pagitan, masaya pa rin ako.
maraming salamat sa mga taong dumating..(in order of arrival.XD) lois mari laput, angela jean kirby corpuz, rachel kimberly anasco at mga AYNSTAYN. haha. limot ko na e. wala nga
kasing laman utak ko. pinipresyur e.XD
c carlo ang nagyaya. ngunit nahuli siya. pinagkatiwalaan ko siya, name. hindi lang pala ako.
fastforward.
habang kami ay kumukuha ng test. nagpapanik na ang aking puso. hindi dahil sa kapeng hindi ko ininom noong umaga ring iyon , ngunit dahil sa mga tanong sa pagsusulit. hindi sila
answerable promis! makunat na tawa. humahagilgil na iyak. iyan ang ginagawa ko habang sinasagutan ko ang mga tanong. ngunit hindi ako nagiisa.kasama ko at kahati sa pighating ito si rachel kimberly.
pagkatapos. kumain kame sa robinson ngunit bago ito ay pumunta kami sa sintang paaralan dati nila brent ordillano, erik jon mariano at christian durana. maraming gusali roon.nakapapagod.ROB-hindi kaagad kami pinapasok kaya't humatak si cleocnne lourdes ng kakilala nia sa departamento ng hustisya. maraming salamat kuya! nakapasok na kami. nakita namen ang thales pipol with sarah lee pati si mark san juan at klaire renz obo. madaya nga cla e. nakapasok ng walang effort. daya. ayan.
matapos kumain..
ay cr.
kaen agen.
nauna na sila kirby pati arvi at rachel.
kaern paren.
laro.
baril.
hulog token.
kalog ng laruan..
may coke pangxtra.inuwi ni brent.
laro paren.
naubos token.
unuwi na.
kasabay ko si angela allena pauwi. hanggang sa tawiran. doon ay tumawid sia at akoy umakyat sa lrt.
nakauwi. pagod. katext sila patrick joseph talosig, ed, evan. maraming ngtetext sa aking hindi ko naman alam kung sino.
inaantok na ako.
sa muli~
paalam~
ps: dapat ay maglulunch kami ni mike johj paul morales ngayon. seldo kasi niya. haaay.
photodump:
akda noong: Friday, November 06, 2009.