magandang gabi.
walang net. walang buhay.
ika-29 ng hunyo taong 2010.
ika-10 ng gabi at apatnapu't limang minuto.
marami akong dinaramdam ngayon.
higit pa sa naaabot ng iyong isipan, higit pa sa nasasambit ng anumang salita, higit pa sa natatarok ng iyong imahinasyon, higit pa...
isang bagay ang pilit kong nilalayuan at kung hindi man, pilit kong tinatakasan.. Ito ay pagiging dominante ng aggressive cells ko. Masama kasi ito. hindi mainam. walang buting maidudulot ito sa anumang nilikha ng Diyos. Wala.
Hindi ko alam, at tila hindi ko na malalalaman kung bakit kumplikado ang buhay, emosyon, katawan at lalung-lalo na ang pagiisip ng sambayanang pinoy.
Hindi naman ako maalam. marami akong hindi alam. Marami. higit pa sa bilang ng paborito mong pagkain. higit pa sa bilang ng paborito mong bilihan ng kwekkwek, kikiam, pishbol.
hindi ko rin alam kung paano ako namuhay sa loob ng bilog na batong ito sa loob ng labing anim na taon at higit pa na purong butil lamang ng bigas ang laman ng aking utak.
May mga bagay akong pinagmamalaki sa sarili ko. at hindi isa rito ang pagiging tahimik ko o kaya'y pagiging maingay ko. Marahil nalalabuan at hindi madaling maisip kung bakit o paano
nangyari ito. extremes kasi ako. kaya nga nahihirapan na rin pati ang superhero ng buhay ko.si JUAN dela Cruz
----EWAN! pinipilit ko ang sarili kong magsulat. at isang mainam na basura ang kinalabasan.
akda noong: Wednesday, June 30, 2010.
ika-24 ng hunyo, 2010.
maraming araw na ang nagdaan ng ako'y huling magsulat o MAGTYPE rito. (PARATI NAMANG MALAKI ANG DIPERENSYA NG ORAS AT PANAHON KUNG AKO'Y BUMISITA RITO). kasi naman may nabasa akong bloga. at napatulala ako. hindi dahil sa kamanghaan sa mga salita niya kndi sa kamanghaan sa kanyang saloobin at nararamdaman.iba un. malaki ang pagkakaiba.
kolehiyana na ako ngayon. at hindi ko naman ninanais ngunit hindi pa ako lubhang masaya. marahil dala na rin ito ng aking paninibago sa sitwasyon, kaibigan, lugar at mga guro.
May mga kaibigan na ako! at de-erkon na ang mga silid. tila ito lang ang aking inaabangan sa lugar na iyon.
walang klase ngaun!
ang sakit ng aking ulo, mukha, paa, utak, kalamnan, puso, atay, tiyan, lalamunan at lahat ng aking ORGANS sa katawan. ayaw ko na. madali naman akong kontrolin e. kaya simula bukas, BYEBYE :)
natutuwa ako sa mga taong nakapaligid sa akin. ngunit kulang ako sa kompiyansya sa sarili. at tila, nalalagas pa ito unti-unti. SUBALIT, sigurado akong iikot din ang roleta! BWHAHAHHAHA. >:]
huling pasabi:
NATATAWA AKO DUN SA BIRO NG AKING KAMAG-AARAL. HAHAHAH. ung islamdunk. XDD
akda noong: Thursday, June 24, 2010.