kasuotan: puting sando, shorts at tali sa buhok.
tugtugan: Everything i own ni vanessa hudgens.
kumusta? nagbabalik ako. matapos ang ilang buwan kong pananatili sa aking kulungan at pagiging kuntento ko sa pagsulat ng aking mga mithiin, damdamin, opinyon, saloobin, naisin, kaisipan at karanasan sa maliit na papel sa aking notebook na alam ko namang itatapon ko rin sa huli. Totoy! katulad ng nakasanayan, walang koneksyon at relasyon ang pamagat ng post na ito sa laman ng post na ito. at kung mayroon man, nasa minimal stage lamang ito. maliit na porsyento. wala pa sa isang parte.
CLOUDY WITH A CHANCE OF MEATBALLS: kanina ko pa siya nababaybay na mayroong e. parang ganito, cloudey. hindi masayang tingnan. masakit sa mata. pero kung bibigkasin mo siyang papinoy o istilong pinoy, mapapansin mong cool siya. hindi masagwa at mukang sosyal. mukang nagmamaangmaangang konyo sa kanto.
tugtugan numero 2:mirotic ng dbsk.
napagpasiyahan kong magtsulat o mamahayag nang aming napagdaanan sa araw na ito dahil sa dalawang malaking kadahilanan. una, dahil marami akong kaklase na mahilig na magblog. naisip kong balikan ang lugar na ito. ikalawa, naisip kong baguhin ang layout nito. binalak ko na ito noong kapaskuhan. ngunit :))) ikatlo, dahil napagtanto kong sa pagsapit ng lunes, bilang na bilang na lamang ang oras at araw ko sa loob ng paaralang pinakain at sinaksakan ng lubos na kaalaman ang aking utak. ang manila science high school.
anggaling. noon parati kong iniisip na masaya nang magtapos sa sekondarya, na masarap ang mga panahong puro ensayo na lamang sa pagtatapos ang inaatupag at ang tanging dahilan kung bakit kami pumapasok. ngunit ngayong papalapit na ang mga ito. nakakatakot pala. nakakikilabot nakakapanindig balahibo.
kanina habang nasa bahay kami ( ako, angeline nuguid, christene angela allena, rachel anasco, cleoanne gallegos, lois mari laput, glenn carlo clavel, brent ordillano, danielle cuevas, glea martinez, at kirby corpuz) ni kimberlyn aeriel anzures, nasa isip ko na na malapit na kaming magkalayo. kaming lahat. at hindi lang kaming nasa loob ng bahay niya. kundi lahat ng mga kakilala ko sa masci. lahat ng mga taong nagbigay buhay at kulay sa aking pananatili sa lugar na iyon. sa aking pananatili sa lugar na nagpalaki at humubog sa kalahating ako. dahil ang kalahati'y hinubog ng aking mga karanasan sa iba't isang pangyayari sa labas ng paaralang ito. Naisip ko talaga iyon. Naisip ko talagang sa susunod na taon, ganoong oras at ganoong araw, ibang iba na ako. iba na ang mga kasama ko at iba na ang pinaguusapan at iba na ang pook tagpuan ng senaryong iyon. nakakapanindig balahibong isiping sa susunod na taon, sa eksaktong oras na ito ay iba na ako, na mas naging malakas akong tao at nasa kolehiyo na ako.
tugtugan numero 3: the prayer ni bocelli at headley
sa loob ng apat na sulok ng sala nila ay sinubukan naming gumawa na ng proyekto sa humanities. naisip ko na namang hindi rin namin agad agad uumpisahan ang pangunahing pakay namin sa pagpunta sa bahay ng hindi naman namin kagrupo sa asignaturang iyon. una naming ginawa'y umupo. nagkwentuhan at may mga iba ibang tugtugan sa lugar na iyon. namangha nga ako sa dvd player nila. multicdplayer sia. syempre biro lamang ung tawag pero pareh na rin ang diwa. kasi pwede mong isaksak o ipalamon sa player na iyon ang maraming cd at didiktahan mo nlng ito kung anong cd ung ipiplay. natuwa nga ako e. kakaiba.iba kasi ang mga kasangkapan sa kwebang pinanggalingan ko. lahat ay de -padyak. pati kaserola kailangan mo munang sipain bago mo magamit. natural, ikaw na bahala kung gagawin mo talaga ito. magiingay ka lamang. dagdag polusyon sa nagiinit at natutuyong bayan ng pilipinas.
tugtugan numero 4: the world knows ng flumpool
balik sa tahanan ni kimberlyn. nanuod kami ng cloudy with a chance of meatball. mayroon kasi akong dalang bala ngunit kay rachel ito. ako ang maydala ng gamit niya. hiniram ko ito isang araw bago kami magtungo kanila kim. nais ko kasing panuuren ung BECOMING JANE. ngunit sa kasamaang palad, hindi siya gumagana sa aming player. mapili. kung babae ito at may buhay siguro ay forever single na ito. mapili talaga pati ba naman laptop nami'y ayaw rin ito tanggapin. mga mapili. malanding kasangkapan sa tahanan. bagay lng kayo a. labis na mapili.
nakakatuwa pala ung cloudy. nakakaenjoy panuuren. isa na siya sa mga hilig ko. seryoso. hindi lamang dahil sa nageeksibisyon ako ng ibat ibang posisyon habang pinanunuud ito sa sahig nila kim, hindi lamang dahil sa maganda ang istorya't animation nio kundi dahil na rin sa mga kasama ko sa panunuod nito. seryoso. nariyan si kim, si danyela, si cleo, si allena, si rachel, si kirby at sila pa:)) sina labbers at labless.:))
katabi ko nito si kim at si danyela,. mezzo nakahiga ako. sa tapat ng elektrikpan natural. hilig ko talaga ang lugar na nasa harap ng erkon o elektrikpan. masarap kasi. nakakasaya ng damdamin na malamang may lugar pa sa pilipinas na hindi lubhang apektado ng el ninyo. kahit ba gawagawa mo lamang ang senaryong ito.
tugtugan numero 5: last cross ni masami
maganda talaga ung cloudy. panuuren niyo kung may oras kayo:) magaganda pa ang mga linyang binibitawan nila. at higit sa lahat ay ang relasyong ipinakita nito. relasyon ng anak sa ama. lumaki kasi ako sa aking itay kaya't sa mga ganyang pagkakataon at palabas nadadala talaga ako sa extent na naiiyak pa nga ako. pero hindi nangyari ito ngayon no. dumating si brent pagtapos namin itong mapanood. may dalang kagamitan para sa aming proyekto at ang natitirang pera. pinangdentista niya.
kumain kami sa jabi. pero bago iyon ay nagslurpee muna ako. nagmakaruns, nagtomi at tubig.! habang kumakain ay binalak na naming manuud ng SHERLOCK HOLMES. ngunit hiwahiwalay kasi kami ng lugar kainan. mayroon sa sala, sa hagdan sa mesang kainan talaga at ung iba kahit saan basta makalamon.:))
tugtugan ikaanim: skip turn step ni kanon
matapos kumain ay gustu ko pa ng shake. hindi ako nakuntento sa apat na baso ng coke e. edi nagaya ako magshake at ung may nais ay bumili. hehe kape akin. kape. variation ng kape. cappuccino. hilig ko ito e. kaya magugulatin ako. pagbalik namin sa bahay ganapan ay wala. ayaw na gumana ng player na minsang binasbasan ni kirby ng kanyang presenya. ayaw na gumana. ayaw na ni sherlock holmes. pero mahirap rin ksing panuren ito sa sine. isa pa itong pinagsisisihan ko kasama ng legion na hindi ko pinanuud sa sinehan. naman talaga.
dahil sa time delay at kung anumang nais niyon itawag dahil alam ko namang hindi bagay ang time delay rito ay gumawa na lamang kami ng arkitektura sa humanities. ngunit nais ko talagang manuod. kaya't ipinilit ko ito. sa huli, nanuud kami ng UP.habang nanunuud ay nauntok ako sa sahig. kasi katabi ko si daniellang nakahiga rin pati na rin si kirby.na kinuha ang unan ko. ayan tuloy nauntog ako.:))
nakaiiyak nga ung umpisa. akala ko talaga masungit si lolo UP. iyon naman pala'y hindi. nakakalungkot talagang mawalan ng minamahal e. naisip ko rin bakit kailangang may mauna. bat hindi na lamang na magsabay sila? bakit hindi maaaring may switch ang bawat tao at sa tuwing hindi na nila kaya ay i-off na lamang nila ito. bakit kasi napakakomplikado ng buhay ng mga tao. bakit kasi napakakomplikado ng katawan ng tao. isama mo na ang pagiisip ng mga tao.
napagisip isip ko ring si lolo UP ay labis labis kung magmahal. emo ni lolo. nakakainlab nga si lolo e. :)) kahapon nga pala nanuud kami ng PERCY JACKSON AND THE LIGHTNING THIEF sa moa at dumiretso sa bahay nila rachel. aun.balik kay lolo up. masaya rin siyang panuuren. nakakatuwa at nakakabighani ang paraan niya ng pagmamalasakit at pagaalaga sa bahay na iniwan ng kanyang minamahal. masyado niyang pinahahalagahan. NGUNIT hindi namin siya natapos. nagrally kasi ang mga fibers nung cd. ayaw tuloy gumana. maganda sana siya kung natapos.:(
dahil sa nadedepres ako. naroon na kasi ung puso ko e. masyado na siyang naatach sa pinanunuud ko:)) ay nagpahinga ako sa harap ng erkon. minsang naghuhuman diving. (eto ang isport ko na kung saan magdidive ako sa mga taong magkakatabi) pinagpatuloy na rin nila ang HUMA namin at may natapos naman kami sa loob ng dalawang oras. nagkwentuha't umuwi na.:)
-i really appreciate and admire those people behind every movie.
LOVEYOUs and thanks:)
akda noong: Friday, February 26, 2010.