<body>


nalusaw utak ko


kahit wala ako sa tamang sarili, sa tamang pakiramdam, sa tamang lugar at sa tamang pag-iisp, minarapat ko nang simulan ang lagdang ito. isa sa maraming dahilan ay sariwa pa sa aking utak, pakiramdam, puso at buong sangkatauhan ang mga pangyayari ngayong araw na ito. mga pangyayaring alam kong huhubog sa aking kinabukasan. nye. korni.



KAILAN PA NAGING ILEGAL ANG PAGTINGIN?
-sir ferdie
kailan nga ba? bakit sa tuwing tumitingin ang ibang lalaki sa kasintahan ng iba ay hindi maiwasan ang alitan?
bakit sa tuwing tumitingin ang kapus-palad sa mga nakaaangat sa buhay, nasusuklam ang mga mararangya
at tila ba'y kulang na lamang ay murahin sila?


gumising ako nang maaga. hindi ko man sinasadya. nagising talaga ako. marami kasing pagsusulit ngayon. sa madaling sabi, magmumuka nanaman akong sabog.



hindi ko alam kung bakit nahihirapan ako sa trigonometry ngayon. dati nama'y nasasagutan ko nang walang kahirap-hirap at kadalasan pa nga'y wala akong mga mali sa mga pagsusulit. hindi ako nagmamayabang. ano ba namang dpat mong ipagyabang? nagtataka lamang ako. dahil minsa'y naging hilig ko ang asignaturang iyon.

anong nangyari? marahil dala na rin ito nang aking pagmumunimuni o pagiging lubhang panatag ng aking utak. dahil ilang taon ko na itong hindi ngagamit. hindi naensayo. at hindi nabuksan.

tapos. dagdag.


BAKIT MAY MGA TAONG NANINISI?
bakit may sisihang nagaganap na hindi maiwasan ninuman?
sa katunayan, walang tunay na may kasalanan maliban sa naapektuhan.
bakit?
dahil walang maninisi kung walang maapektuhan,
kung walang masasaktan.
sino ng nanisi?
ang nasaktan.
bakit nasaktan?
dahil nabigo,
dahil umasa
at dahil nagisip ng bagay na hindi mangyayari,
magaganap o matutupad.

kung ako ang iyong tatanungin, bakit may sisihang nagaganap?
ito ay dahil walang taong nais tumanggap ng kanyang pagkakamali,
ng kanyang kakulangan at walang sinuman ang nais tumanggap ng kalungkutan.

ngunit bakit pa rin may naninisi?
mga magkasintahan, kaibigan, asawa?
bakit nagsisisihan?
bakit nagtuturuan?
dahil walang taong nais maging responsableng tumanggap
at umangkin ng pagkakamali ng iba,
walang nais na mabalot ng kalungkutang kalakip ng pag-amin
ng pagkukulang niya sa kapwa. wala..wala..

lahat ay nababalot ng takot.
takot sa sambayanan. sa paaralan
sa kapwa at higit sa lahat..
takot sa sarili.
takot na hindi mo matugunan
o malampasan
o maabutan
o mapantayan ang
antas ng kagalingan
o antas ng karuunungang ginawa mo para sa sarili mo.
IKAW MISMO ANG MAY KASALANAN.
IKAW.
haha. sa huli. isa rin ako samga nanisi.
mga taong nagbubulagbulagan sa tawag ng masa, ng sambayananat ng sariling karangyaan.

/wrist
panibugho.

akda noong: Monday, July 26, 2010.
BASURA. EMOSYON.


madalas na pumapasok sa aking isip ang katagang ito, na ako mismo ang nakaisip noong maalam pa ako, noong panahon na alam ko pa ang nangyayari sa mundo, noong mga panahong may puwang pa ang kaalaman sa aking mumunting pagkatao :

" madaling magmaang-maangan, mahirap madunongg-dunungan"

ngunit ngayong lumalaki na ako kasabay ng pagliit ng mundong ginagalawan ko, ngunit ngayong may mga nalalaman na ako sa mundo, ngunit ngayong nadaragdagan na ang mga kaisipang nalalaman ko, naisip ko. SANA WALA NA LANG AKONG ALAM. Sana hindi ko na lamang inalam. Sana hindi na lang gumana ang kakayahan kong magusisa at maghanap ng mga impormasyong maaari ko namang hindi alamin at mga impormasyong kaya ko namang mabuhay ng hindi ito nalalaman.Sana hindi nalamang gumana ang aking sariling emosyon..Sana.. sana...

NAKAKASAKAL- sabi ni ruby.

maraming bagay ang nakakasakal. maraming bagay ang nagbibigay buhay sa kalungkutan at pagkakasakal ng isang tao. maraming bagay ang hindi mo alam na nagdudulot ng lubhang kalungkutan. Maaaring nakasanayan mo na ito at namuhay ka nang kasama ito kaya't hindi mo na napapansin na ito ay sayo'y nagpapalungkot. Maaaring mali ako, ngunit sa ngayo'y ito ang alam ko.


naisip ko lang marami ang masaya sa kalagayang ng sambayanang ginagalawan ko. ngunit ako rin ba? ako nga ba'y masaya rin o nagpapadala lamang sa kasiyahan ng iba? nagpapadala sa agos ng buhay na ngayo'y hindi ko pa rin tapos tahakin? Maaaring oo, maaaring hindi. ngunit sa ngayo'y alam kong hindi ako ang humaharap sa mga taong aking nakasasalamuha.

mahirap magbago. ngunit mas mahirap magpanggap. mahirap maging malungkot. ngunit minsa'y mas mahirap maging masaya. alam kong nais ko'y parating tumawa- na talaga namang ginagawa ko. ngunit, may mali. may hindi tama. may hindi naaayon.

LAHAT NGA BA NG MALI ay hindi tama?
LAHAT NGA BA NG HINDI TAMA ay hindi naaaayon?



-wala nang kasunod. may nakita lamang akong panaksak-pusong lagda at hindi ko alam ang gagawin. wala namang nagbabasa nito. kaya't maaaring magbigay saloobin rito :)
-sana masaya kayo >:D<
-dahil mas masayang maging masaya. :)

I REALLY AM IRONIC, RIGHT? THE ENTRY IS UHMMM. UNHAPPY? BUT THE PICTURES SAY OTHERWISE..


akda noong: Tuesday, July 20, 2010.
now, this--

now this didn't make me feel any better.
well, yes, i do miss my block mates but there's always a better way to see them than in class.
haha.

AYAW KO NA.
grabe naman kasi kayo. harapan talaga? masakit kaya. mahapdi.
araw-araw tayong magkakasama, nagkekwentuhan at nagtatawanan. pero. :)))
JOKE. wag na nga. GV.GV.GV.:)
sana ang sambayanang pinoy ay masaya! sana lahat kayo'y mainam!
sa susunod aausin ko na ang aking buhay.
upang sarili'y masiyahan.
dahil ayokong nang masaktan.
XD

sana bumalik na sa dati. sana may on/off switch ang lahat.
upang sa gayo'y madali ang mga bagay-bagay
upang walang alinlangan.

walang kuryente kanina
aray ko pu! walang magawa
kaya't matapos kumai'y natulog kaagad
buhay ko'y gaya ng isang balyena

pagbabalik tanaw:
AW SHIT WALA AKONG GANA MABAHAGI.
PINAHIHIRAPAN KO LNG SARILI KO.
XD

tingnan na lamang at basahin ang blog ni rachel
parihu kami ng nararamdaman,
MAGKATUGMANG MAGKATUGMA
CLICK


akda noong: Wednesday, July 14, 2010.





Newer Posts >>
<< Older Posts






Ore Wa?
extreme mental colonialism

in face of true love, you dont just give up. Even if the subject of your affection if begging you to.




CRISA likes smiling.
hates misunderstandings.
hates one word answers.
usually is socially awkward.
body clock is so messed up.
likes every movie she watch.
almost always acts irrationally.
loves watching movies by herself.
クリサ デ ホゥワン 明白な悪はある



Words Plaaay


Assistants

FATrick
tumblr
facebook
friendster
plurk
twitter
multiply
2nd blooog
profile
elklesha<3
emmanuel josef concina
kokak//johannes(for real) XDD
andie
tawingan
kenta
enid-senpai
EMAE-senpai
diana-senpai
JOHANNES
claudine
janica.
tatsukida


Photobucket

Photobucket


Photobucket

paboritos: twilight
concijuaco

Archives
02.08 03.08 04.08 05.08 06.08 07.08 08.08 09.08 10.08 11.08 12.08 01.09 02.09 05.09 06.09 07.09 08.09 10.09 11.09 01.10 02.10 03.10 06.10 07.10 10.10 02.11 04.11 06.11 10.12
Thank You's
AdobePhotoshop; PhotoBucket

35 liters of water, 25 kilograms of carbon, 4 liters of amonia, 1.5 kilograms of lime, 800 grams of phosphorus, 250 grams of salt, 100 grams of saltpeter, 80 grams of sulfur, 7.5 grams of flourine, 5 grams of iron, 3 grams of silicon, and a little bit 15 other elements. these would be the calculated components that make up the average human adult, you can pick all of that up at a marketplace , even with the pocket money of a little child, its really cheap to make a human being..