anong nangyari? marahil dala na rin ito nang aking pagmumunimuni o pagiging lubhang panatag ng aking utak. dahil ilang taon ko na itong hindi ngagamit. hindi naensayo. at hindi nabuksan.
tapos. dagdag.
BAKIT MAY MGA TAONG NANINISI?
bakit may sisihang nagaganap na hindi maiwasan ninuman?
sa katunayan, walang tunay na may kasalanan maliban sa naapektuhan.
bakit?
dahil walang maninisi kung walang maapektuhan,
kung walang masasaktan.
sino ng nanisi?
ang nasaktan.
bakit nasaktan?
dahil nabigo,
dahil umasa
at dahil nagisip ng bagay na hindi mangyayari,
magaganap o matutupad.
kung ako ang iyong tatanungin, bakit may sisihang nagaganap?
ito ay dahil walang taong nais tumanggap ng kanyang pagkakamali,
ng kanyang kakulangan at walang sinuman ang nais tumanggap ng kalungkutan.
ngunit bakit pa rin may naninisi?
mga magkasintahan, kaibigan, asawa?
bakit nagsisisihan?
bakit nagtuturuan?
dahil walang taong nais maging responsableng tumanggap
at umangkin ng pagkakamali ng iba,
walang nais na mabalot ng kalungkutang kalakip ng pag-amin
ng pagkukulang niya sa kapwa. wala..wala..
lahat ay nababalot ng takot.
takot sa sambayanan. sa paaralan
sa kapwa at higit sa lahat..
takot sa sarili.
takot na hindi mo matugunan
o malampasan
o maabutan
o mapantayan ang
antas ng kagalingan
o antas ng karuunungang ginawa mo para sa sarili mo.
IKAW MISMO ANG MAY KASALANAN.
IKAW.
haha. sa huli. isa rin ako samga nanisi.
mga taong nagbubulagbulagan sa tawag ng masa, ng sambayananat ng sariling karangyaan.
/wrist
panibugho.