<body>


AMFUTATATA



AMFT.
hindi ko talaga alam ang ibig sabihin ng salitang "amft".
may nabasa akong teorya ng kung sinuman
na nagmula daw ito sa salitang-ang puta, naging amputa,
naging amp, na naging amft.
ayan.
nakita ko lang.

samantalang. naiwan ako rito sa aming tahanan. tahimik. mabuti nalamang may tv at may laptop. kung wala patay na siguro ako. bakit? bakit naman ako mamamatay? mabuti sana kung kinain ako ng leon o nahulog ako sa helikapter o nasagasaan ng LRT. TSUGI. basag ulo. labas bituka. sabog mata.

pero, sa kasamaang palad pati TV sumabog. hindi naman ung mismong tv ung nasira ung isang bagay lang na kumokonekta sa cable.walang cable. kwela. AMFT.! ( kahit hindi ko alam ang ibig sabihin nian. nyahahhaah ) hindi ko alam kung nakipag-usap ung TV namen sa dean sa unibersidad na pinapasukan ko at naisipan niang sumabog sa sembreak. sana naman bago magsembreak o pagkatapos, ano?

gumagaralgal na rin ung tiyan ko. para bang nagwewelga na ung mga bulate ko kasabay ng pagkulog ng myukus ng biyuka ko. ayan kakain na ako. PWE!




bagong anime nanaman ang pinanuod ko. hindi naman sia bago. bago lang sa paningin ko. nabasa ko na ung manga. ang problema lang ay ayaw kong panuuren ung anime. kasi nabasa ko na nga sa manga e! :)) alam ko na ung ibang mangyayari. walang tril. pero sa huli. pinanuud ko rin.-kaichou wa maid-sama.

nanuud din ako kahapon ng isa pang anime -pandora hearts. hindi ko talaga mabigkas yan. ang lagi kong nasasabi ay PANDORA'S HEARTS. bulol e. KASO. AMFTTTT! (anu naman ibig sabihin nian? AMFUTATATATA?! haha) aun. pagpapatuloy. kulang ung nasa CD. kaya hindi umuunlad ang pilipinas e. panay panloloko. PIRATA. hindi naman ako tama. kaya huwag nalang.titirahin ko lang ang sarili ko e.

nagbasa ako ng isang libro kanina. (andaming nangyari sa buhay ko ngayon e.haha. saloob ng bahay) may parte roon na tungkol sa conyo. atsyempre naalala ko si kevin christian legata. tawag namin sa kanya un e. kami nina arvie catalan saka dianne marie jalos. kelan ko lang nalaman na may marie pala ung pangalan ni dianne. KELAN LANG?! naalala ko tuloy ung kaklase ko noong third year. ilang buwan na kaming magkaklase hindi koparin alam ispeling ng pangalan nia. AMFT!( o, ayan isa pa.haha)


-tatlong oras nang nakalilipas-

dinor taym na.
amoy hatdog ung kanin. siguro kasi pula sia.
malakas kasi saykolojikal pawers koow.

tapos.

akda noong: Tuesday, October 26, 2010.
kontrol



(danielle cuevas' pic)




habang nagloload ako ng kateikyoushi hitman reborn,
isang palabas na matagal ko nang hindi napapanuod,
ako'y nagmasid at naghanap ng mga lagdang aking mababasa.
upang pampalipas ng oras.


hindi ko kasi nais sabihin sa kahit kanino.
lalung lalo na sa aking sarili na akoy bored.
isa yang katangahan. kamangmangan. at kasalanan.
bakit?
kasi ikaw naman ang may kasalanan kung bakit ka nabobored.
bakit kailangan mong ipagsigawan
at ipaalam sa mundong ikaw ay wala sa sarili.
at hindi nalilibang,
walang magawa't walang mapagbuhusan-oras.
ISA YANG KAMANGMANGAN. ISA YANG KALOKOHAN.


balik sa aking nais sabihin:
bakit hindi ka makibagay?
bakit hindi ka makisangayon?
bakit sa halip na pasayahin ang iyong sarili'y
pinili mong maging malungkot?
Nasa iyo iyan. Huwag kang manisi.
kahit hindi mo sinasabi ay iyon pa rin ang lumalabas.
Nagmamakaawa ako. nakasusuka na. :)))))
hindi na maganda sa paningin pati na rin sa pandinig.
nakakapukaw-atensyon ang iyong tingin
ngunit sa pananaw ng nakararami, itoy walang kaaning-aning.


naiintindihan kong ayaw mong magpanggap,
ngunit bakit hindi mo subukang magbago?
palakasin ang loob mo?


KAILANGAN KO NG KUMPIRMASYON, UPANG MAKAMOVE-ON
-sir ferdie




may mga taong nagbubulagbulagan sa katotohanan.
ngunit may mga tao ring hinandugan na ng katotohanan at katibayan
ngunit pinilit pa ring magbulag-bulagan.
Kung ganyan lamang kayo,
sanay ibinigay niyo na ang inyong mga mata sa lubhang nangangailangan.
sa mga taong handang harapin ang katotohanan.
mga taong may lakas ng loob hindi gaya ninyo.
dahil nasasayang lamang ang kakayahan ninyo.
karunungan at kayamanan.


Bakit hindi niyo na lamang ipagdiwang
kung anong mayroon kayo ngayon,
mga bagay na dapat ninyong ipagmalaki?
Nasasayang ang lahat ng ito
dahil sa paghahahanap ninyo nang wala sa inyo.
paghahanap ng hindi para sa inyo at hindi dapat sa inyo.


Huwag mong isisping ang buhay ay isang bagay na madaling wakasan.
isang bagay na madaling itapon.
at isang bagay na maaari mong ipagsawalang bahala.
Huwag mong isiping ikaw ay kulang,
na ikaw ay hindi sapat.
dahil ikaw ang pinakamainam
at pinakamakabuluhang ikaw

MAG-ISIP KA. HUWAG KANG MANGAMBA.
kahit na minsay may problema't kalungkutan
alam naman nating may makukuha kang kaligayahan.
bakit hindi ka roon magsimula?
magsimula upang baguhin ang kung anong mayroon ka?
isang malungkot na buhay.


++++



hindi ko magawang matawa o malungkot o mabigay opinyon
sa mga taong nagbabaliwbaliwan o nagpapakasasa sa piling ng iba.
dahil alam kong may mga taong naghihiwalay.


parating pumapasok sa isip ko,
sa tuwing akoy pumapasok sa isang relasyon,
ang paghihiwalay.
TOTOO,
alam kong kahit anong gawin ninyong dalawa'
maghihiwalay rin kayo.

MUKANG SIRA RIN NO??

bakit ka papasok sa isang relasyong alam mo namang matatapos din?
NGUNIT, bakit naman hindi?
hindi naman ito parating nangyayari?

para sa akin,
pumapasok sa isang relasyyon ang mga tao upang maging masaya.
at kung hindi na ito naibibigay sa isa sa kanila.
TAPOS.
sa madaling sabi, pagkasawa.

-ito ang opinyon kong una.

mayroon din namang tumatagal.
at para sa akin. nasa tao nga ito.
kaya nga; tao ang pinakamagandang karakter para sa akin.
tao ang pinakamagandang likha ng diyos. :O
at koneksyon o relasyon sa bawat isa
ang pinakamagandang ugnayan para sa akin.

-opinyong ikalawa


MARAMING HINDI MANINIWALA o
HINDI SASANG-AYON SA AKIN SA BAGAY NA ITO
ngunit ito ang pumapasok sa aking isipan sa mga oras na ito.
dahil sa mga nabasa ko.
at dahil na rin sa takbo ng isipan ko.

Maganda pa rin ang walangwakas na pagibig.
ngunit sa susunod ko na ito tatalakayin.
wala ako sa tamang pagiisip para maglagda ukol diyan.
sa susunod nalang.
akoy gutom pa.

nagluto ako kanina. masarap na prinito. :))
wala kasing tao rito.
akoy nagiisa sa bahay ko.


+++++

WALANG MAGANDANG MANGYAYARI.
kung hindi ka nagtitiwala sa iyong sarili,
kung nagpapaapekto ka sa sabisabi ng iba.
mga maling sabi at mapangutyang mata.
WALA KANG PATUTUNGUHAN.
MAGTIWALA KA LAMANG.
KAYA MO ANG LAHAT
PAGSUBOK LAMANG YAN.

WEEEEEEEEEEHH? :))



akda noong: Tuesday, October 19, 2010.


sandali. habang naglalaro ako ng solitaire
sa aking mumunting kompyuter
( isang laro na inimbeto para sa mga taong nalulumbay)
ay may ibang naglaro sa aking isip. ang mga salitang:

everything we hear is an option, not a fact.
everything we see is a perspective, not the truth.

teka: napapanis ba ang mineralwater?
eh ang toge? nagbabrawn na kasi. luluto sana ako.


***

matagal tagal na namang muli ng akoy napadpad rito,
nakapagtala, at nagahagi ng aking sarili.
kaya't kung inyong marapati'y akin itong hahabaan.
ngunit kayoy wag mag alala dahil akoy disipulo ni Juan Tamad.
hindi ko pa rin ito lubos na pahahabain

ilang segundo, minuto, oras, araw, linggo at buwan
na rin ang nagdaan ng akoy unang tumuntong sa unibersidad
na aking ginagalawan ngayon. matanda na ako.
gurang. haha.
nakapaninindig balahibong isiping sa loob ng isang taon,
mayroong isang araw na makapagbabago sa iyong edad.
mas iisipin mo ito kung ikay lagpas na sa taon ko.

nakapaninibago. EWAN. MALAY.
nakatutuwang isiping may mga taong nagtatago pa
at tila bay takot na ipakilala ang kanilang mga sarili sa oras na ito.
sa tagal na ito,.

hahahahahaha.
naaaliw ako.
nasa isang tabi lamang ako. nakikinig. at nagmamatyag.
mas maganda at mas mainam para sa akin kung parati ko na lamang itong gagawin.
masayang pagmasdan at kilalanin ang mga tao sa paligid mo.
mga taong tumulong humubog sa iyong sangkatauhan.
mga taong naging laman ng iyong pakikipagtalastasan sa iba.
mga taong laman ng iyong isip sa tuwing ika'y namamahinga.

tao nga ang pinakakomplikadong gawa ng diyos.
tao ang pinakasimple ngunit pinakamahirap basahing likha ng diyos.
Obrang kahit kailan'y hindi na mapapantayan ng anumang bagay sa mundo.
dahil ang tao. ay may sariling isip. damdamin
at kalakip nito'y kakayahang ipaalam sa iba ang kanyang nararamdaman.

may mga taong sadyang nais ipakilala ang sarili nila sa ibang paraan.
ipakilala ang sarili nila sa hindi naman sila.
sa madaling sabi, sa paraang hindi naman talaga sila sanay at hindi naman tunay.

BLAAAAAAAAAAAAAAAHHHH

may mga bagay na kahit anong gawin ko'y hindi mawala sa aking isipan,
mga bagay na parating naglalaro sa aking munting katauhan.
mga bagay na kung inyong mamarapatiy hindi ko na lamang ilalahad.
sapagkat natatakot ako sa mga taong sadyang paggagaya na lamang ang nalalaman. :)

lahat tayoy nilikha ng diyos nang iba.
malamang nakatatakot namang makita kung may dalawang taong magkamuka't magsingkilos.
ngunit sa totoo'y hindi naman dapat ito kakaiba ngunit dahil
nakatatak na sa isipan ng tao na bawat isa ay dapat may sariling pagkakakilanlan.
itoy nagiging iba.

tingnan niyo. malakas ang isip ng tao. MAKAPANGYARIHAN.
at paalala lamang:
wag mong isisping kung pormal ang salita moy maganda na ito sa pandinig.
wag mong isiping malalim lamang ang katagang iyong binitaway maganda na ito sa pandinig.
matutong makibagay. ngunit wag gumaya.
matutong makisalamuha. ngunit hindi nananapaw.
dahil sa huli. at panalo ay ang tunay. ang tunay na ikaw.

makapangyarihan hindi lamang ang tao.
ngunit pati na rin ang kanyang kaisipan at mga salita.
salitang nagpapakilala sa kung ano ang kanyang pagkatao at kung ano ang kanyang tunay na anyo. :)

c'est une blague.!


next post will be atleast better. i really just wanted to let go of what was running unto my mind.
well, you see, i WAS thinking of changing my layout.its been months since i last updated this.
but then again, i got lazyyyy.
Ithink and Iknow that I am the epitome of the sin SLOTH.

akda noong: Tuesday, October 19, 2010.





Newer Posts >>
<< Older Posts






Ore Wa?
extreme mental colonialism

in face of true love, you dont just give up. Even if the subject of your affection if begging you to.




CRISA likes smiling.
hates misunderstandings.
hates one word answers.
usually is socially awkward.
body clock is so messed up.
likes every movie she watch.
almost always acts irrationally.
loves watching movies by herself.
クリサ デ ホゥワン 明白な悪はある



Words Plaaay


Assistants

FATrick
tumblr
facebook
friendster
plurk
twitter
multiply
2nd blooog
profile
elklesha<3
emmanuel josef concina
kokak//johannes(for real) XDD
andie
tawingan
kenta
enid-senpai
EMAE-senpai
diana-senpai
JOHANNES
claudine
janica.
tatsukida


Photobucket

Photobucket


Photobucket

paboritos: twilight
concijuaco

Archives
02.08 03.08 04.08 05.08 06.08 07.08 08.08 09.08 10.08 11.08 12.08 01.09 02.09 05.09 06.09 07.09 08.09 10.09 11.09 01.10 02.10 03.10 06.10 07.10 10.10 02.11 04.11 06.11 10.12
Thank You's
AdobePhotoshop; PhotoBucket

35 liters of water, 25 kilograms of carbon, 4 liters of amonia, 1.5 kilograms of lime, 800 grams of phosphorus, 250 grams of salt, 100 grams of saltpeter, 80 grams of sulfur, 7.5 grams of flourine, 5 grams of iron, 3 grams of silicon, and a little bit 15 other elements. these would be the calculated components that make up the average human adult, you can pick all of that up at a marketplace , even with the pocket money of a little child, its really cheap to make a human being..