<body>


c'est une blague! :))


sandali. habang naglalaro ako ng solitaire
sa aking mumunting kompyuter
( isang laro na inimbeto para sa mga taong nalulumbay)
ay may ibang naglaro sa aking isip. ang mga salitang:

everything we hear is an option, not a fact.
everything we see is a perspective, not the truth.

teka: napapanis ba ang mineralwater?
eh ang toge? nagbabrawn na kasi. luluto sana ako.


***

matagal tagal na namang muli ng akoy napadpad rito,
nakapagtala, at nagahagi ng aking sarili.
kaya't kung inyong marapati'y akin itong hahabaan.
ngunit kayoy wag mag alala dahil akoy disipulo ni Juan Tamad.
hindi ko pa rin ito lubos na pahahabain

ilang segundo, minuto, oras, araw, linggo at buwan
na rin ang nagdaan ng akoy unang tumuntong sa unibersidad
na aking ginagalawan ngayon. matanda na ako.
gurang. haha.
nakapaninindig balahibong isiping sa loob ng isang taon,
mayroong isang araw na makapagbabago sa iyong edad.
mas iisipin mo ito kung ikay lagpas na sa taon ko.

nakapaninibago. EWAN. MALAY.
nakatutuwang isiping may mga taong nagtatago pa
at tila bay takot na ipakilala ang kanilang mga sarili sa oras na ito.
sa tagal na ito,.

hahahahahaha.
naaaliw ako.
nasa isang tabi lamang ako. nakikinig. at nagmamatyag.
mas maganda at mas mainam para sa akin kung parati ko na lamang itong gagawin.
masayang pagmasdan at kilalanin ang mga tao sa paligid mo.
mga taong tumulong humubog sa iyong sangkatauhan.
mga taong naging laman ng iyong pakikipagtalastasan sa iba.
mga taong laman ng iyong isip sa tuwing ika'y namamahinga.

tao nga ang pinakakomplikadong gawa ng diyos.
tao ang pinakasimple ngunit pinakamahirap basahing likha ng diyos.
Obrang kahit kailan'y hindi na mapapantayan ng anumang bagay sa mundo.
dahil ang tao. ay may sariling isip. damdamin
at kalakip nito'y kakayahang ipaalam sa iba ang kanyang nararamdaman.

may mga taong sadyang nais ipakilala ang sarili nila sa ibang paraan.
ipakilala ang sarili nila sa hindi naman sila.
sa madaling sabi, sa paraang hindi naman talaga sila sanay at hindi naman tunay.

BLAAAAAAAAAAAAAAAHHHH

may mga bagay na kahit anong gawin ko'y hindi mawala sa aking isipan,
mga bagay na parating naglalaro sa aking munting katauhan.
mga bagay na kung inyong mamarapatiy hindi ko na lamang ilalahad.
sapagkat natatakot ako sa mga taong sadyang paggagaya na lamang ang nalalaman. :)

lahat tayoy nilikha ng diyos nang iba.
malamang nakatatakot namang makita kung may dalawang taong magkamuka't magsingkilos.
ngunit sa totoo'y hindi naman dapat ito kakaiba ngunit dahil
nakatatak na sa isipan ng tao na bawat isa ay dapat may sariling pagkakakilanlan.
itoy nagiging iba.

tingnan niyo. malakas ang isip ng tao. MAKAPANGYARIHAN.
at paalala lamang:
wag mong isisping kung pormal ang salita moy maganda na ito sa pandinig.
wag mong isiping malalim lamang ang katagang iyong binitaway maganda na ito sa pandinig.
matutong makibagay. ngunit wag gumaya.
matutong makisalamuha. ngunit hindi nananapaw.
dahil sa huli. at panalo ay ang tunay. ang tunay na ikaw.

makapangyarihan hindi lamang ang tao.
ngunit pati na rin ang kanyang kaisipan at mga salita.
salitang nagpapakilala sa kung ano ang kanyang pagkatao at kung ano ang kanyang tunay na anyo. :)

c'est une blague.!


next post will be atleast better. i really just wanted to let go of what was running unto my mind.
well, you see, i WAS thinking of changing my layout.its been months since i last updated this.
but then again, i got lazyyyy.
Ithink and Iknow that I am the epitome of the sin SLOTH.

akda noong: Tuesday, October 19, 2010.





Newer Posts >>
<< Older Posts






Ore Wa?
extreme mental colonialism

in face of true love, you dont just give up. Even if the subject of your affection if begging you to.




CRISA likes smiling.
hates misunderstandings.
hates one word answers.
usually is socially awkward.
body clock is so messed up.
likes every movie she watch.
almost always acts irrationally.
loves watching movies by herself.
クリサ デ ホゥワン 明白な悪はある



Words Plaaay


Assistants

FATrick
tumblr
facebook
friendster
plurk
twitter
multiply
2nd blooog
profile
elklesha<3
emmanuel josef concina
kokak//johannes(for real) XDD
andie
tawingan
kenta
enid-senpai
EMAE-senpai
diana-senpai
JOHANNES
claudine
janica.
tatsukida


Photobucket

Photobucket


Photobucket

paboritos: twilight
concijuaco

Archives
02.08 03.08 04.08 05.08 06.08 07.08 08.08 09.08 10.08 11.08 12.08 01.09 02.09 05.09 06.09 07.09 08.09 10.09 11.09 01.10 02.10 03.10 06.10 07.10 10.10 02.11 04.11 06.11 10.12
Thank You's
AdobePhotoshop; PhotoBucket

35 liters of water, 25 kilograms of carbon, 4 liters of amonia, 1.5 kilograms of lime, 800 grams of phosphorus, 250 grams of salt, 100 grams of saltpeter, 80 grams of sulfur, 7.5 grams of flourine, 5 grams of iron, 3 grams of silicon, and a little bit 15 other elements. these would be the calculated components that make up the average human adult, you can pick all of that up at a marketplace , even with the pocket money of a little child, its really cheap to make a human being..