hahaha. ewan. gumising ako nang mabigat ang pakiramdam. at hindi lamang ito dahil sa init na ipinatong sa aking balat ni haring araw o ang unan na nakapatong sa aking tiyan pagmulat ng mga mata ko.
anyways. ( anu bang tagalog ng anyway? ) may kaibigan ako. isang matalik na kaibigan. dati. o ako lang ang may tingin non. ewan. magulo ang tao. kahit tingin mong mahal ka nila. sa loob pala nila'y kinukutya ka. akala mong hinahangaan ka. sa likod mo'y pilit kang ibinabababa. ngunit hindi naman parating ganito ang sitwasyon. maaari ring akala mong galit sila sa iyo. iyon naman pala'y nahihiya lang makipagugnayan sa iyo. akala mong ayaw makipagtalastasan. mabaho lang pala hininga. K.WTVR.:))
PAGSUBOK. balik sa nais sabihin. maraming tao akong kakilalang mahilig idaan sa pagsubok ang iba. nais nilang malaman kung hanggang saan ang susuunging baha ng iba para lamang malaman nila kung ano ba talaga ang halaga nila. Para sa akin, hindi lamang nakakapanghina ito, nakatatawa rin. :)
REASSURANCE? Bakit mo kailangang subukin ang iba para lamang malaman mo ang halaga mo? bakit mo kailangang subukin ang iba upang makilala mo ang mapagkakatiwalaan mo? Hindi ba't sa ginagawa mong pagdududa sa kanila, ito na mismo ang dahilan kung bakit ka hindi karapatdapat sa tiwala ng iba? Hindi ba ibig sabihin nito ay ikaw ang dapat hindi pagkatiwalaan?
PARINIGAN. May kakilala ako. mahilig siya magparinig. o hindi? hindi ko alam e. kasi ngayon ko lamang nakita ito. at hindi ako natuwa. hindi naman sa hindi ako nagpaparinig. pero hindi ko ginagawang ilabas ang saloobin ko sa kahit na anong lugar na alam kong makikita ito ng taong pinatutungkulan ko. HANEP SA WALASTIK! sasabihin mong inilalabas mo lang ang saloobin mo at wala kang pakialam sa nararamdaman ng iba? wala kang intensyong saktan ang iba? wala kang intensyong malaman ng iba? wala kang intensyong masaktan siya? guess what? you just did. at gusto mo. ayaw mo lang aminin. namamaangmaangan kapa. at sino sa inyo ang masama? sino ang sakim? sino ang walang puso?! :)
GANTIHAN. mas bata ka pa sa pamangkin kong dumedede pa ng tsupon e. ay mali. mas matanda ka pa pala. ngunit mas asal bata ka pa sa kaniya. gantihan? CHE. wala kang mga isip o damdamin? mas halimaw ka pa sa swapang na demonyong napanuod ko kahapon (insidious)
AYOKO NA. nunuud muna ako. :) paalam
akda noong: Thursday, June 02, 2011.
dahil sa mabigat ang aking kalooban. :D
wala akong natitirang panulat dito maliban sa lapis. at ayaw kong magsulat gamit ang lapis. ayokong hindi maging permanente ang bawat katagang aking maisusulat. aking uukitin sa bawat hibla ng papel na magsisilbing karugtong ng aking isip at imahinasyon. nais ko ng isang bagay na permanente. kahit pa sinasabi ng nakararaming, ang tanging bagay na makatatagal habambuhay ay ang pagbababago.
Mataas pa rin ang sinag ng araw. malakas pa rin ang init na dala ng liwanag ng araw. at malakas pa rin ang loob ng mga taong kalabanin ang isa't isa.
TAO. parati na lamang tao. maaari bang hayop naman ang isulat ko rito? maaari. ngunit hindi ko nais talakayin ang dalawang butiking nakita namin ni eric nung isang linggong nagtatalik sa tapat ng tutuluyan kong dorm sa pasukan. pati na rin ang ipis na napatay ni jambi kagabi. mas mainam ng tao ang itala ko kaysa hayop. wala rin naman akong alaga na maaari kong ikwento buong magdamag. o kausapin hanggang mawala ang bigat ng loob ko. chos.
hindi naman talaga ganoon kabigat ang loob ko. may parte lang na naaasar. at hindi makapaniwala sa nadadala ng galit sa puso ng lahat. nagagawa ng simpleng tampuhan opagnanasa sa iba. Bawat bagay ay magkakarugtong, may epekto sa isa't-isa.
JOKE lang. :))
hindi ko na ulit babasahin kaya maraming mali :))
akda noong: Thursday, June 02, 2011.