dahil sa mabigat ang aking kalooban. :D
wala akong natitirang panulat dito maliban sa lapis. at ayaw kong magsulat gamit ang lapis. ayokong hindi maging permanente ang bawat katagang aking maisusulat. aking uukitin sa bawat hibla ng papel na magsisilbing karugtong ng aking isip at imahinasyon. nais ko ng isang bagay na permanente. kahit pa sinasabi ng nakararaming, ang tanging bagay na makatatagal habambuhay ay ang pagbababago.
Mataas pa rin ang sinag ng araw. malakas pa rin ang init na dala ng liwanag ng araw. at malakas pa rin ang loob ng mga taong kalabanin ang isa't isa.
TAO. parati na lamang tao. maaari bang hayop naman ang isulat ko rito? maaari. ngunit hindi ko nais talakayin ang dalawang butiking nakita namin ni eric nung isang linggong nagtatalik sa tapat ng tutuluyan kong dorm sa pasukan. pati na rin ang ipis na napatay ni jambi kagabi. mas mainam ng tao ang itala ko kaysa hayop. wala rin naman akong alaga na maaari kong ikwento buong magdamag. o kausapin hanggang mawala ang bigat ng loob ko. chos.
hindi naman talaga ganoon kabigat ang loob ko. may parte lang na naaasar. at hindi makapaniwala sa nadadala ng galit sa puso ng lahat. nagagawa ng simpleng tampuhan opagnanasa sa iba. Bawat bagay ay magkakarugtong, may epekto sa isa't-isa.
JOKE lang. :))
hindi ko na ulit babasahin kaya maraming mali :))
akda noong: Thursday, June 02, 2011.